JIRDAL ZAHIR: KABANATA 2

PARA KAY DANIEL, nakakasawa na ang pagiging call center agent. Bukod sa nakakaubos ng pasensiya ang mga walang modong mga callers mula sa Amerika, maliit na halaga lamang ang kanyang natatanggap na suweldo—12,000 piso kada buwan, apat na libong pisong allowance, at mga bonus, overtime pay na nagkakahalaga ng tatlong libong piso. Kulang na kulang [...]