NAGISING SA PAGKAKATULOG si Daniel Zabala nang biglang tumunog ng napakaingay ang kanyang cellphone. Bagamat inaalipungatan pa, kinapa ng dalawampu’t isang taong gulang na binata ang kanyang nagwawalang cellphone sa ibabaw ng maliit na cabinet na katabi ng kanyang higaan. May incoming call. Wala namang numerong nakarehistro. No choice siya kaya napilitan na lamang siyang [...]







