JIRDAL ZAHIR: KABANATA 2

PARA KAY DANIEL, nakakasawa na ang pagiging call center agent. Bukod sa nakakaubos ng pasensiya ang mga walang modong mga callers mula sa Amerika, maliit na halaga lamang ang kanyang natatanggap na suweldo—12,000 piso kada buwan, apat na libong pisong allowance, at mga bonus, overtime pay na nagkakahalaga ng tatlong libong piso. Kulang na kulang ito sa kanyang pang-araw-araw na gastusin. Dahil sa liit ng kanyang suweldo, napilitan siyang iwasan muna ang kanyang nightlife. Dati-rati’y pampalipas-oras niya ang tumungo sa Orosa-Nakpil, Malate o kaya sa Libis upang makisaya at makihalubilo sa mga taong kagaya niya at walang araw na siya ay nakalimot sa kanyang panggabing ritwal—ang paghahanap ng mabebentahan ng kanyang laman. Ngayong pilit niyang pinatitino ang sarili ay naghihirap naman siyang pagkasyahin ang perang kinikita niya bilang isang call center agent. Inaamin niyang minsang dumating sa kanyang isipan na bumalik na lamang sa Orosa-Nakpil o sa Libis at doon muling magpakasaya sa gitna ng dilim, ngunit dahil sa ipinangako niya sa kanyang sarili na siya ay magbabago na ay pilit niyang nilalabanan ang tawag ng laman. May isang salita si Daniel. Kapag nangako siya ng isang bagay, tinutupad niya ito. Ang kanyang pagpasok sa matinong trabaho ay hudyat lamang na nais niyang magbagong-buhay.

                Isa sa dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay ay upang ipamukha sa kanyang pamilya na kaya niyang mamuhay ng marangal. Gusto niyang ipakita sa kanila na kaya niyang tumayo sa sarling mga paa nang hindi umaasa sa kahit na sino. Masama ma rin ang loob ni Daniel sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama na tumakwil sa kanya. Galit siya rito dahil hindi siya tinanggap ng ama sa kung ano mang pagkatao mayroon siya. Galit naman si Daniel sa kanyang ina dahil kailanman ay hindi siya ipinagtanggol nito sa harap ng mapang-aping ama. May sama rin ng loob ang binata sa kanyang dalawang kapatid na babae dahil walang ginawa ang mga ito sa kanya kundi laitin ang kanyang pagkatao.

Kahit kailan hindi itinuring si Daniel bilang kasapi ng pamilya Zabala.

Pangalawa sa dahilan ng kanyang pagbabagong buhay ay ang kanyang babaeng sinisinta—si Maribel Ochoa. Kapangalan ito ng kanyang pinakamamahal na tiyahin na si Maribel Zabala-Montealegre, ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Cavinti sa Laguna. Ang dalagang taga-Boac, Marinduque ang siyang nagpapatibok sa puso ni Daniel. Matagal nang may relasyon ang binata at si Maribel at nagbalak na silang magpakasal ngunit tumutol ang mga magulang ng huli kaya hindi ito natuloy. Alam ng mga magulang ni Maribel ang maruming buhay ni Daniel kaya hindi sila pabor na makasal ang anak nila dito. Kahit na alam ng mga ito na nanggaling sa isang maimpluwensiyang pamilya ang pinanggalingan ni Daniel ay ninais pa rin nilang maputol agad ang relasyon ni Daniel at ng kanilang kaisa-isang anak na babae. Ngunit kahit na tutol ang mga magulang ng dalaga ay nagpatuloy pa rin ang relasyon nina Daniel at Maribel. Yaon nga lang ay patago. Para silang gumagawa ng krimen sa tuwing magkikita silang dalawa saan man sila padparin ng kani-kanilang mga paa.

Masasabing kaya nagsusumikap sa pagtatrabaho si Daniel dahil kay Maribel. Gusto niyang makaipon ng malaking pera upang matuloy ang balak nilang dalawa ni Maribel—ang magtanan at magpakalayu-layo sa mga humahadlang sa kanilang pagmamahalan. Ngunit dahil sa liit ng kanyang suweldo ay hindi siya makaipon ng pera kaya hanggang ngayon ay hindi matuloy-tuloy ang kanilang balak na magtanan.

Madalas na magbasa ng diyaryo si Daniel, lalo na ang Classified Ads na bahagi nito. Palagi niyang binabasa ang bawat pitak sa Classified Ads na tumutukoy sa mga high pay overseas jobs. Ngunit hindi kumbinsido si Daniel sa mga trabahong nasa pitak ng Classified Ads. May mga recruitment agencies na naghahanap ng mga babaeng domestic helpers sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Thailand; mga factory workers sa Indonesia at Brunei; mga chefs, accountants, nurses, at iba’t ibang mga job offerings available mula sa mga bansang China, Japan, Saudi Arabia, Qatar, Oman, UAE, Bahrain at Kuwait. Ngunit  dahil sa mataas ang expectations ni Daniel sa kagaya niyang kulang sa kwalipikasyon ay ni minsan ay hindi siya kumagat dito. Maximum of $500 wage per month—mahigit dalawampung libong piso lamang ang kanyang kikitain sa buwan-buwan; tiyak na kulang na kulang ito sa pang-araw-araw niyang gastusin.

Ngayon ay hirap na hirap si Daniel sa pera sa pagnanais niyang mamuhay ng marangal. Ngunit wala siyang pagpipilian. He wanted a decent life so he must face its consequences.

 

“SIR, I CAN’T UNDERSTAND YOU,” wika ni Daniel habang may kausap na Amerikano sa kabilang linya. Halata sa kanyang boses na punung-puno na siya sa sobrang demanding ng kausap. “You said a while ago that you want to—”

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng binata nang biglang magsalita ang Kano. “I said it that I want to verify if this transaction I made in your company requires—anyway, I want to talk to your boss. It seems you don’t know what is your job is. Please transfer my call to your boss right now, you stupid little jerk.”

Pumintig ang tainga ng binata sa panlalait ng kausap. “Please let us repect each other,” wika ni Daniel habang tinitimpi ang kanyang galit.

Napuno ang Kano. “Who the hell are you to talk to me like that? My God, you don’t know your job! I’m wondering why your company hired a dumb agent like you!”

“Sir… I—”

“I just want to talk to your boss! Connect me to him right now!”

“Sir—”

Sa pagkakataong ito, malutong na ang boses ng Kano. “I said connect me to him right now, you’re son of a bitch!”

Nangangalit na ang mga ngipin ni Daniel sa sobrang galit sa hambog at walang modong caller. Humuhingi na nga ng pabor, galit pa! Ngunit kahit na laitin na siya ng Kano sa kabilang linya, nagtimpi pa rin si Daniel. “Okay sir, as you wish…”

Then he transfered the call to his “boss”. Doon lamang ay nakahinga ng maluwag si Daniel. Sa wakas ay hindi na niya maririnig ang nakakairitang boses ng hinayupak na Kanong iyon!

“Feeling nuts?” tanong boses mula sa kanyang likuran. Dahil dito, lumingon si Daniel sa kanyang likuran at nakita niya ang isang kasamahang lalaki na nakadungaw sa ibabaw ng kanyang carrel.

“Sinabi mo pa!” tugon ni Daniel. “Gago yung nakausap ko kanina! Putang-ina, nilait pa ako!”

Natawa naman ang lalaki. “Sus, para hindi ka na nanibago sa trabaho natin! We’re call center agents!”

“Pero hindi tayo nag-call center agent para lamang murahin ng mga pesteng iyan!” sundot agad ng binata. “Alam mo ba, muntik nang maubos ang pasensiya ko! Murahin ba naman ako! Humihingi na nga siya ng pabor sa akin, siya pa ang galit!”

“Hay naku, Daniel. Gutom lang iyan,” anang lalaki. Napatingin naman si Daniel sa kanyang wrist watch. Five minutes past seven in the evening.

“Siguro nga,” pagsang-ayon ni Daniel habang naramdaman niyang kumalam ang kanyang sikmura. “Let’s go and eat!” Pagkatapos ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan makaraang ilapag ang kanyang headset sa tapat ng keyboard ng kanyang assigned computer. “Saan tayo ngayon? Sasabay ba sa atin sina Grace at Lorenz?”

“Oo. Nasa labas na sila, hinihintay na lamang tayo,” tugon ng kasamahang call center agent.

“Okay David, let’s go!” pag-aaya ni Daniel sa kasama at sabay silang lumabas ng kanilang workplace.

 

ONE SIOPAO. ONE BOTTLE OF MINERAL WATER.

Iyan lamang ang madalas bilhin ni Daniel sa kalapit na convenience store. Bukod sa ito lamang ang kaya ng kanyang budget, masarap naman ito kumpara sa ibang mga pagkaing ibinebenta roon. Hindi niya pansin iyon kahit na ang kanyang mga kasamahan ay medyo may kamahalan ang biniling pagkain.

Ang mahalaga lamang kay Daniel ay may mailagay lamang siya sa kanyang kumakalam na sikmura.

Habang nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang kanyang mga kasamahan, tahimik lamang si Daniel habang kumakagat ng kanyang pagkaing siopao. Noong mga oras na iyon, sari-sari ang kanyang mga naiisip. Una, ang kanyang trabaho bilang call center agent. Sa liit ng kanyang suweldo at sa nauubos na pasensiya sa mga born-to-be-rude callers, pakiramdam niya para siyang isang nanunuyot na lupa dahil sa stress. Pangalawa, ang kanyang pamilya, na sa mga oras na ito ay pinagtatawanan siya ngayon dahil sa mga kamalasang dumarating sa kanya. At pangatlo, si Maribel. Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung paano kikita ng malaking pera ang isang katulad niya na second year college lamang ang natapos. Paano niya bubuhayin si Maribel at ang mga magiging anak nila kung maliit lamang ang kanyang kikitain? Tiyak na sa squatters’ area sila pupulutin—na ayaw niyang mangyari dahil tiyak na lalo siyang lalaitin ng kanyang ama na si Ramon Zabala, dating gobernador ng Laguna at kilala bilang isa sa mga mayayaman at maimpluwensiya sa kanilang probinsiya.

And besides, may pride siya. Ayaw niyang mamaliitin siya ng kanyang pamilya kaya hindi siya gagawa ng hakbang upang mangyari ang kinaaayawan niyang mangyari.

Habang ngumunguya at nakatitig si Daniel sa kawalan, napansin naman siya ng tatlo niyang kasamahang call center agents. “Hoy Governor Zabala, ano na naman iyang iniisip mo at tulala ka diyan?” biro ng kasamahan niyang babae.

Natauhan si Daniel pagkaraang marinig ang salitang governor. Seryoso siyang nagsalita. “Don’t call me governor ‘cause I’m not a governor. At kahit kailan wala akong balak na pumasok sa pulitika.”

“Sorry ha,” pataray na wika ng babae. “Naalala ko lang kasi ‘yung dating governor namin sa Laguna,” dagdag pa nito with matching stress in the word Laguna.

“Ikaw kasi Grace,” anang isa pa nilang kasamahan na si Lorenz. “Pinapaalaala mo kasi ang kanyang mahal na erpat e!”

Napatawa si Daniel sa ikinilos ng kasamahang babae. “Chika lang ‘yun! Heto naman si Grace, hindi mabiro! You can call me governor, but I like to call me president instead of governor.”

“Maiba tayo,” wika ni David kay Daniel. “Bakit ka tulala diyan kanina? Nakyu-curious lang kami sa katahimikan mo kanina e.”

“Ano ba ‘yung iniisip mo?” tanong pa ni Lorenz.

Sina David, Grace at Lorenz ay itinuturing ni Daniel na immediate friends. Naging mga kaibigan niya ito noong siya ay unang mapasok bilang call center agent sa kanilang kompanya. Si Grace at Lorenz ay pawang may asawa’t anak na habang si David ay binata pa at walang balak na mag-asawa at magkapamilya. Sa kanyang tatlong kaibigan sa trabaho, kay David siya mas close dahil halos pareho sila ng hilig. Pareho silang bisexual. Masasabing pareho sila ng kapalaran dahil itinakwil din si David ng kanyang mga magulang nang malaman ng huli na bisexual siya. Nakatira ngayon si David sa isang apartment sa Project 8, Quezon City at isang self-supporting student sa University of the Philippines, Diliman. Paminsan-minsan tumatambay si David sa kanto ng Orosa-Nakpil sa Malate upang maghanap ng aliw sa mga kapwa niya lalaki hindi tulad ni Daniel who is dedicated to change his life.

“Wala lang…” tugon ni Daniel sa tanong ni Lorenz.

“Sounds like ‘mind your own business’,” si Grace.

Sumali si David sa usapan at sinaway ang dalawang kaibigan, “Respect his privacy. If he doesn’t want to tell you about that, so be it.”

“Opo, Pastor David Buencamino,” ani Lorenz.

“Hay naku, huwag na kayong magtalo,” si Daniel. “Iniisip ko lamang ‘yung trabaho ko as call center agent. I realized that masyadong nakakapagod makisama sa mga hinayupak na mga Kanong iyan. And besides, parang ayaw kong magpatali habambuhay sa call center career. I want a greener pasture!”

“Kung sa bagay, may tama ka!” wika ni Grace habang gayang-gaya ang pronunciation ni Kris Aquino sa kanyang dating game show.

Sumang-ayon si David. “Tama ka, Daniel. Pero saan ka naman lilipat or I mean, saan ka mag-a-apply? Sa call center industry ka pa rin ba papasok?”

“Hmmm…” nag-isip-isip muna si Daniel bago sumagot. “No. Ayaw ko nang  makisama pa sa mga letseng mga foreigner na iyan. I want another career. Siguro mag-o-OFW na lang ako. I want to apply overseas. Kahit saan o kahit anong trabaho, basta sa ibang bansa at malaki ang suweldo.”

“Kahit na maging basurero ka?” panunubok ni Grace. “My God! Lahat yata gagawin ng Pinoy kahit siguro tumawid sa alambre o maski tumambling sa nagbabagang apoy basta kumita lamang ng pera!”

“It depends,” wika ng binatang si Daniel. “Kahit na maging basurero pa ako pero kung kikita naman ako ng one thousand bucks per month, why not? Sa hirap ng buhay ngayon e kailangan mong maging praktikal.”

“May tama ka na naman!” pagsang-ayon ni Grace. As usual, Kris Aquino tone na naman siya.

Humigop mun ng soda si Lorenz bago bumaling kay Daniel. “E, anong balak mo ngayon?”

Nag-isip-isip si Daniel. “First I will find a suitable overseas job for me before resigning to my present job. Sisiguraduhin ko munang may mararating ako sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa bago ako mamaalam sa call center industry.”

“May tama ka na naman!” This time halatang nang-aasar na si Grace.

“Tigilan mo na nga ang panggagaya kay Kris Aquino!” saway ni Lorenz. “Tignan mo tuloy, kamukha mo na ‘yung puwet niya!”

“Shut up!” ganti ng babae.

Muling bumaling ang atensiyon kay Daniel. “What kind of job are you seeking right now?” usisa ni David.

“Any kind of job,” tugon ni Daniel pagkaraang kumagat sa kanyang siopao. “Hindi naman ako mapili sa trabaho basta kayang suportahan ang buwanan kong gastos. May napupusuan nga akong trabaho sa Middle East. Simple lang ‘yung trabaho pero high-paid ka.”

“Paano ba iyan? E di good luck na lang,” si Lorenz.

Nagpatuloy ang kuwentuhan ng magkakaibigan. May pagkakataong hindi na maka-relate si Daniel sa paksa ng kanilang pinagkukuwentuhan. Paano ba naman kasi, puro showbiz intriga ang pinag-uusapan ng tatlo. Hindi naman maka-relate si Daniel dahil bukod sa hindi siya palanood ng TV, ayaw niyang makihalubilo sa mga tsismisang may kinalaman sa buhay ng ibang tao—lalo na sa showbiz.

Sari-saring intriga ang pinagkukuwentuhan ng tatlo na siya namang ikinatahimik ni Daniel. May intriga tungkol sa isang celebrity hunk na nasasangkot daw sa isang gay sex scandal. Natatawa pa nga sila David at Lorenz habang ikinukuwento ni Grace na napanood niya sa TV ang celebrity hunk na iyon habang umiiyak sa live interview ng isang celebrity talk show habang nanawagan na ihinto na ang pagsangkot sa kanya sa naturang gay sex scandal. Bakit kailangan pang umiyak at magmakaawa ng celebrity hunk sa harap ng national television upang ipanawagan lamang na itigil na ang pagsangkot sa kanya sa kumakalat na gay sex scandal na iyon kung hindi talaga siya ang lalaking nasa video na nagpapagamit sa kapwa niya lalaki?

  Hindi namamalayan ng tatlo na ang usapan tungkol sa naturang “gay” celebrity hunk ay nauwi sa namumuong love team sa parehong sikat na teen stars sa ngayon; hanggang sa pagtataray umano ng isang rising star sa isang kababayan habang nasa set ng isang sikat na fantaserye. Lahat ng mga intrigang iyon ay hindi pumukaw sa pansin ni Daniel. Bakit pa siya makikisali sa tsismisang walang kuwenta kung siya mismo ayaw mapagtsismisan ng iba?

Pangiti-ngiti lamang si Daniel at minsang napipilitang tumawa sa mga kuwentong showbiz ng mga kasamahan kahit na hindi siya maka-relate. Bahagi iyon ng kanyang strategy upang hindi siya maparatangang naa-out of place sa usapan.

Sa totoo lang, he wanted to change the topic. Kaso ano naman paksa?

Religion? Politics? Life and Leisure? Business? Sex? Bisexuality?

No way!

Napahikab si Daniel nang hindi sinasadya. Hindi niya maikakaila na bored na bored na siya.

Thank God at tumunog ang kanyang cellphone kaya hindi napansin ng mga kaibigang kapwa niya call center agents na bagot na bagot na siya sa kanilang pagtsitsismisan.

Agad na dinukot ni Daniel ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa sa pantalon at doon nakita niya ang numerong nagpangiti sa kanya. Pagkatapos ay tumayo siya at nagpaalam pansamantala sa mga kaibigan. “Guys, labas muna ako sandali. Tumatawag ang aking dream wife.”

As usual, inaasar siya ng mga kaibigan. Napangiti na lamang si Daniel. Then he go outside the convenience store before answering the call. “O Maribel, napatawag ka?”

“Dan, I missed you so much kaya ako napatawag,” sagot ni Maribel. Bakas sa boses nito ang paglalambing.

Ibinalik ni Daniel ang paglalambing ng kasintahan. “I miss you too baby.”

“Hon, daan ka naman dito sa apartment ko pag-uwi mo. May ihahada akong masarap na pagkain sa iyo. Hihintayin kita.”

Napangiti si Daniel. “Oo, pupunta ako diyan. Promise.”

“I love you, hon. Pasasarapin ko ang gabi nating dalawa.”

“I can’t wait for that,” si Daniel. “Pagkatapos ko ng trabaho pupunta ako diyan.”

Kahit na nasa kabilang linya, halata ni Daniel na abot tainga ang ngiti ng kasintahan. “I will wait for you. I love you!” ani Maribel.

“I love you too. I will call you kapag parating na ako.”

“Sige, ingat ka,” si Maribel sabay kiss sa kanya mula sa kabilang linya. Kinilig naman si Daniel. Pakiramdam niya siya na ang pinakasuwerteng lalaki sa mundo sa pagkakaangkin niya sa puso ng dalaga.

Then the line was shut off. Tuwang tuwa naman si Daniel nang bumalik siya sa kumpulan ng mga kaibigang call center agents. Sobra ang kasiyahang nadarama ng binata nang mga oras na iyon. Nananabik siya sa kanyang kasintahan kaya desidido siyang pagkaraang matapos ang kanyang night shift ay didiretso siya sa apartment na inuupahan ni Maribel. Mahalaga sa kanya ang kasintahan. Maribel is a gem to treasure. And besides, he expected something upon arriving at Maribel’s apartment.

He is expecting some rare hot bed action with Maribel tonight.

JIRDAL ZAHIR (GAY ROMANCE NOVEL): Chapter 1

NAGISING SA PAGKAKATULOG si Daniel Zabala nang biglang tumunog ng napakaingay ang kanyang cellphone. Bagamat inaalipungatan pa, kinapa ng dalawampu’t isang taong gulang na binata ang kanyang nagwawalang cellphone sa ibabaw ng maliit na cabinet na katabi ng kanyang higaan. May incoming call. Wala namang numerong nakarehistro. No choice siya kaya napilitan na lamang siyang sagutin ang kanyang cellphone upang malaman niya kung sinong hinayupak ang tuwatawag sa kanya ng dis-oras ng gabi.

                “Hello?” sagot ng binata habang napapahikab.

                Nagsimulang magsalita ang isang pamilyar na boses ng isang lalaki. “Bonsoir! C’est Monsieur Péron de—”

                “Wrong number!” naghihikab na wika ni Daniel sabay pindot sa pulang button ng kanyang cellphone. Obviously this jerk is nuts, bulong pa niya sa kanyang sarili. Balak pa ng hinayupak na caller na sirain ang kanyang pagtulog!

                Teka… Monsieur Péron? Sino kaya iyon? Hindi kaya si—

                Wala nang panahon para mag-isip pa si Daniel. Hilung-hilo na siya sa sobrang puyat kaya muling pinikit ni Daniel ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling muling dalawin ng antok. Hindi siya nagkamali at muling lumipag ang kanyang huwisyo patungo sa kakaibang mundo ng mga panaginip.

                Ilang araw na ring puyat si Daniel dahil sa kanyang trabaho bilang isang call center agent sa Sutherland. Paano ba naman kasi, night shift siya sa kanyang trabaho. Tapos noon ay sasabak siya sa madudugong English conversations with some old American maniacs and jerks na kaya lamang isinilang sa mundo ay upang manigaw at magmura ng mga call center agents. Pagkatapos noon ay sasabakan pa siya ng mga tsismis ng mga kapwa niya call center agents, na tila walang kapaguran sa kakadaldal tungkol sa mga buhay ng artista hanggang sa maitim na kuyukot ng kanilang mataray na babaeng boss. Kaya minsan, stress ang inaabot ni Daniel sa sobrang pagod at pagdating sa kanyang tinutuluyang apartment ay walang anu-anong didiretso siya sa kanyang kama upang matulog. Walang kain. Walang paligo. Walang mang-iistorbo sa kanyang mahimbing na pagtulog.

Masasabing hindi naman nagpapahuli si Daniel sa pagsalita ng wikang Ingles. Katunayan, kaya niyang magsalita ng Ingles in American or British accent. Ngunit mas mabuti na iyon kaysa naman magpalabuy-laboy siya sa kalsada at manlimos ng pera. Ang pagiging call center agent niya ang nagbigay sa kanya ng daan upang magbago at kumita ng malaking pera sa legal at marangal na paraan.

                Second year college lamang ang narating ni Daniel. Palibhasa kasi masyado siyang pasaway. Komento ng mga kapamilya niya, isa raw siyang “easy-go-lucky” person. Palaging pagbubulakbol lamang ang inatupag ni Daniel sa dalawang taon niyang pag-aaral sa kolehiyo. Kaya minsan, nagsawa na ang kanyang mga magulang na siya ay pag-aralin pa. Hindi siya tulad ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na babae na pawang tapos sa pag-aaral at naging mga Certified Public Accountants. Ngunit balewala ito kay Daniel. Ang mahalaga lamang sa kanya ay maka-survive sa araw-araw.

                Sari-saring trabaho ang pinasok ni Daniel ngunit naaayon lamang sa isang katulad niya na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kulang na kulang siya sa kwalipikasyon kaya anong trabaho ang aasahan niyang magbibigay sa kanya ng malaking suweldo? Minsan pinasok ni Daniel ang pagiging isang mensahero sa isang kompanya na agad naman niyang inayawan dahil sa sobrang liit ng suweldo. Pumasok rin siya bilang isang waiter sa isang fastfood chain, ngunit as usual, madali rin niyang inayawan. Ang pinakahuli niyang naging trabaho bago siya makapasok bilang call center agent ay ang pagiging isang masahista sa isang underground massage center malapit sa kalye ng Orosa sa Malate.

                Isang bisexual si Daniel. Nagsimula ito nang wasakin ng kanyang gurong lalaki ang kanyang muwang. Ilang beses hinalay kasi ng kanyang baklang guro ang binata na noon ay labinlimang taong gulang pa lamang. Sa loob mismo ng kanilang paaralan ginawa ang naturang paglalapastangan ng guro sa kanyang pagkalalaki. Simula noon, nagkaroon ng ito ng masamang epekto sa pag-iisip ng binata. Palagi nang nakikipagtalik si Daniel, sa babae man o sa kapwa niya lalaki, basta mawala lamang ang libog niya sa katawan. Bago siya tumuntong sa kolehiyo ay nakahiligan niyang tumambay sa kanto ng Orosa-Nakpil at naging isang bayarang callboy. Kahit na galing siya sa maimpluwensiyang angkan ay pinasok ni Daniel ang ganitong kaduming trabaho. Ang hangad lamang niya sa bawat pakikipagtalik niya sa kapwa niya lalaki ay ang maibsan ang init na kanyang nadarama—kumikita pa siya ng malaking pera!

                Nagpatuloy siya sa pagbebenta ng kanyang laman nang tumuntong siya sa kolehiyo. Madalas siyang tumambay noon sa tapat ng Philippine Women’s University dahil doon ang balwarte ng mga callboy na wala pa sa hustong gulang. Kadalasan, ang mga nakakasama ni Daniel sa paglalakbay tuwing gabi ay ang mga callboy na nasa edad 16 hanggang 20. Hindi naglaon, dahil sa mga katulad ni Daniel na naglalakbay sa lugar na iyon tuwing gabi ay nabansagan ang tapat ng PWU bilang “Daisy Farm” o lugar ng mga callboy na nasa edad “disi-sais, disi-siyete…”

Hindi naglaon ay nakarating sa mga magulang ni Daniel ang kalokohan ng huli at agad siyang itinakwil ng mga ito. Tumigil agad siya sa pag-aaral at agad na lumayo sa kanya ang kanyang mga magulang. Sa ngayon ay wala na siyang balita sa buong pamilya dahil pawang nasa Amerika na ang mga ito. Mag-isa na lamang siya dito sa Pilipinas. Tiyak niyang wala nang pakialam pa sa kanya ang kanyang pamilya kung mapariwara man siya. And besides, buti na rin na wala na siyang komunikasyon sa kanyang pamilya. He wanted freedom. Ngayong wala na siya sa poder ng mga magulang ay malaya na niya gawin ang nais niyang gawin sa kanyang buhay. Hindi na nito pakikialaman pa ang kanyang personal na buhay lalo na ang kanyang sex life. He can do what he wants to do. Malaya niyang maipagmamalaki na isa siyang bisexual.

Wala na siyang balak pang makipag-ayos sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama. He hated his father so much. Kapag naaalala kahit ang pagmumukha ng kanyang ama ay kumukulo ang kanyang dugo sa sobrang galit. Kung ikinahihiya niya ako bilang isang anak, ikinahihiya ko rin siya bilang isang ama.

Nasa kalagitnaan na ng kanyang panaginip si Daniel nang muli siyang gambalain ng tumutunog na cellphone. Muling inalipungatan si Daniel at kinuhang muli ang kanyang cellphone sa ibabaw ng maliit na cabinet na nasa tabi ng kanyang kama.

As usual. May incoming call ngunit wala na namang numerong rumerehistro sa screen ng kanyang Nokia n95 phone.

“Hello,” bungad ni Daniel habang naghihikab. “Sino ba ito? Alam mo ba kung anong oras na?”

Nagsalita ang isang lalaki. “Pardonez-moi, Monsieur… Daniel.”

Nanlaki ang mga mata ni Daniel. Pamilyar ang boses na iyon. “Sino ka bang ulol ka? Tigilan mo na ang pangungulit sa akin! Inaantok pa ako!”

Sumunod ang katahimikan sa kabilang linya. Maya-maya’y may nagsalitang isang lalaki na halatang nanggagago. “Hoy, Dangkoy! Do you still remember me, you bullshit?”. Pagkatapos narinig ng binata na humagikgik ang lalaking nasa kabilang linya.

Nawala ang antok ni Daniel sapagkat naalala niya ang taong tumatawag sa kanya ng “Dangkoy”. “Walang-hiya ka Bobby Péron!” natatawang wika nito. “Kumusta na ka na? Akala ko kung sinong hinayupak na Pranses ang nagkamaling pumindot ng numero ko, yun pala ikaw lang! At kailan ka pa natutong magsalita ng French?”

“Well, umaasenso na,” sagot ni Bobby.

Nanabik naman si Daniel sa kaibigang matagal hindi nagparamdam sa kanya. “Bakit ngayon ka lang napatawag? Kay tagal mong nawala ah? Nasaan ka na ba ngayon?”

Sumagot si Bobby. “Well, sabi ko nga sa iyo, umaasenso na ako. Nasa France na ako ngayon. Dito na ako nagtatrabaho ngayon bilang isang chef.”

Naalala ni Daniel noong magkaklase pa silang dalawa ni Bobby sa kolehiyo. Parehong Food Nutrition ang kinuha nilang dalawa. Matalino si Bobby at certified dean’s lister sa kanilang university. Ngunit katulad din ni Daniel ang kaklase—isang bisexual. Kung tutuusin, si Bobby ang nag-aya sa kanyang tumambay sa tapat ng PWU upang makahanap ng mga baklang benefactor na naghahanap ng one-night stand. Madalas silang tumambay noon sa tapat ng PWU hanggang sa tumigil sa pag-aaral si Daniel. Nakakatawa lamang isipin na dahil sa pagko-callboy ay nakatapos sa pag-aaral si Bobby na nanggaling sa isang mahirap na pamilya sa Tondo.

“At paano ka naman napunta sa Pransiya, aber?” usisa ni Daniel.  “Hindi ba’t nasa Milan ka?”

Rinig sa kabilang linya ang hagikgik ng kaibigan. “Because of my French gay benefactor kaya ako nandidito ngayon. Matagal na akong umalis sa Milan, ‘tol. Halatang huli ka na sa balita!”

“Puta!” naibulalas ni Daniel habang natatawa. “Hindi ka pa rin nagbabago ngayon, ‘tol! Mahilig ka pa ring magpagamit sa mga bakla!”

“Bakit ikaw ba nagbago na?” sundot ni Bobby.

“Of course yes!” pagmamalaki ng binatang call center agent. “I’m on my call center career. Malaki rin ang suweldo.”

“Uyyy, umasenso na rin, sa wakas!” wika ni Bobby. “Dating callboy, ngayon ay call center agent na!”

“Aba, nagsalita ang matino! E callboy ka rin noon, diba?” pahabol ni Daniel. Pagkatapos ay nagtawanan ang dalawang magkaibigan.

“Nasaan ka na ngayon, ha Dangkoy?” tanong ni Bobby sa kaibigan. “Babalik kasi ako ng Pilipinas kasi matatapos na ang kontrata ko dito. Balak yata ng recruitment agency ko na ipadala naman ako sa Kuwait. Well, saan ka ngayon nakatira? Para naman madalaw kita diyan. Matagal na tayong hindi nag-iinuman!”

“Buti at uuwi ka na. Anyway, nandidito ako ngayon sa apartment ng Tita Maribel ko dito sa Pasay. I’m sure natatandaan mo pa itong apartment na ito.”

“Oo naman, Dangkoy!” wika ni Bobby.

Napangisi si Daniel. “Alam ko namang hindi mo makakalimutan ang Tita Maribel ko. Paano ba naman kasi, siya ang kahuli-hulihang babaeng bumasted sa iyo.”

Muling nagtawanan ang magkakaibigan.

“Correction, hindi na siya ang huling babaeng nagpaluha sa akin. May latest, isang Italiana.”

Pa-indian seat na umupo si Daniel sa kanyang higaan bago muling nagpatuloy. “Asa ka pa. Iyang pangit mong iyan gugustuhin ng isang foreigner!”

“Tumigil ka!” asar na wika ni Bobby. “For your info, mas marami akong naging kliyente kaysa sa iyo. Ibig sabihin noon, mas malakas ang sex appeal ko sa iyo!”

Nagtawanan ulit ang dalawa. Balewala lamang sa kanilang dalawa ang asaran—kahit na below the belt. Para na kasi silang magkapatid kaya palagi silang magkasama, sa gimik man o sa sex trip.

“Paano ba naman kasi e malaki ang taroogs mo!” kontra ni Daniel. “Pero face quality, hindi pang-export! Hindi tulad ko, pang-celebrity ang face quality!”

“Yabang! Halatang hindi ka nagbubuhat ng bangko ‘no!?”

“Aba, dapat lang! Pang-Mister World ang mukha ko!” wika ni Daniel. “Kumusta naman yung French gay benefactor mo? Kayo pa rin ba?”

Narinig ni Daniel na nagbuntong-hininga ang kanyang kaibigan sa kabilang linya. “Hindi na. Matagal na kaming break. Ako mismo ang nakipag-hiwalay. Hindi ko na siya matagalan. Palagi na lamag sumusuko ang bataan ko sa kanya!”

Kinuha ni Daniel ang isa niyang unan at ipinatong sa kanyang mga hita. “Talaga? Laspag na laspag ka siguro ‘no?”

“Hindi lang iyon. Hindi ko rin matagalan ang ugali niya. Masyado siyang possessive.”

“Naku, dapat lang na hiwalayan mo na iyan,” pagsang-ayon ni Daniel.

“Buti kamo at maaga ko iyang napagdesisyunan,” si Bobby. “Siya nga pala, do you still remember Bryan?”

“Bryan?” Sa una hindi matandaan ni Daniel kung sino ang “Bryan” na binabanggit ng kanyang kaibigan. Then suddenly he remembered that name. Bryan is a flamboyant bisexual guy na minsang nakasiping niya sa kama. Naalala ni Daniel na minsang napasali siya sa isang bisexual orgy. Si Bryan ang halos umubos ng kanyang lakas habang magsagawa sila ng isang red-hot oral sex. “Of course, I remember him. Grabe nga mang-ubos ng lakas ang gagong iyon!”

“Alam mo bang naririto siya sa Bordeaux? At say mo, katrabaho ko pa sana ang manyak na iyon kundi lang siya ipinahamak ng kalibugan niya!” si Bobby habang sabik na sabik magkuwento. “Mayroon siyang mga kaibigang Pranses na bisexual at madalas silang magyarian sa kahit saang lugar. Minsan nga nahuli siya at ang isa niyang kasamang Pranses na nagyayarian sa loob ng isang parking lot! Ayun, nahuli at nanganganib ngayong mai-deport pabalik ng Pilipinas!”

Hindi na nagulat si Daniel sa balita. Kilala niya si Bryan. Alam niyang isang exhibitionist si Bryan kaya walang hiya itong ilantad ang libog sa katawan, kahit saang lugar man o oras. “Buti nga sa kanya at nang magtanda! Dapat lang sa kanya iyon. Karma lang iyan.”

Natawa naman si Bobby sa reaksyon ng kapwa bisexual na kaibigan. “Kung magsalita ka Dangkoy parang wala kayong nakaraan sa isa’t isa.”

Medyo nagtaas ng boses si Daniel matapos niyang maalala niya ang katraydurang ginawa ni Bryan sa kanya. “Baka nakakalimutan mo Bobby, si Bryan ang dahilan kung bakit itinakwil ako ng mga magulang ko! Kaya huwag ka nang magtaka kug kinakarma na ang Hudas na iyon!”

Agad na pinakalma ni Bobby ang kaibigan. “Easy lang. Matagal na iyon. Kalimutan mo na iyon.”

“Actually, nakalimutan ko na nga iyon kaso pinaalala mo pa sa akin!” panunumbat ni Daniel. “Kung didinggin ng Diyos ang panalangin ko, sana huwag nang mag-krus ang aming landas kundi baka makapatay lang ako ng tao!”

“Sorry ha Dangkoy kung pinaalaala ko pa ang mortal mong kaaway.”

Inunat ni Daniel ang kanyang dalawang paa sa higaan at saka muling nagwika. “Bakit ka naman magso-sorry? E magandang balita nga ang hinatid mo sa akin e!”

“Siya nga pala naistorbo yata kita sa iyong pagtulog,” wika ni Bobby. “Maggagabi na kasi dito sa Bordeaux.”

Sarkastikong sumagot si Daniel. “Actually, naistorbo mo nga ako kasi himbing na himbing na ako sa pagtulog nang tumawag ka. Pero anyway, at least nasuklian naman kasi nagkausap tayong muli. Ang tagal mong hindi nagparamdam ‘tol!”

“Sige, saka na lang tayo mag-usap. Matulog ka na. Alam ko namang pagod na pagod ka ngayon sa pagko-callboy mo este pagiging call center agent mo. Tatawag na lang ulit ako bukas.”

Naghikab muna si Daniel bago muling nagsalita. “Sige, good night.”

“Bonsoir, monsieur! Au revoir!”

“Sus, tigil-tigilan mo na nga ako sa pagsasalita mo ng French!” natatawang wika ni Daniel sa kaibigan. “Gutom lang iyan. Sige, matutulog na ako.”

“Sweet dreams, pare…” huling wika ni Bobby bago nawala ang koneksyon nila sa isa’t isa.

Napangisi si Daniel. Si Bobby talaga, gago pa rin hanggang ngayon, bulong niya sa sarili pagkaraang maalala niyang muli ang mga kalokohan ng kaibigan. Sadyang maloko at mapagbiro si Bobby at katulad din niyang “easy-go-lucky”. Mahilig si Bobby sa lakwatsahan. Minsan natatawa na lamang si Daniel sa ugali ng kaibigan. Palagi kasing laman ng mga sikat na bars sa Malate si Bobby at bihira lamang matagpuan sa bahay nito sa Tondo. Dahil sa likas kay Bobby ang pagiging madaldal at mabola ay marami itong nakakasama at nakakaulayaw na mga bakla at mga bisexual. Ngunit kahit na “easy-go-lucky” si Bobby at palaging laman ng lakwatsahan ay nakukuha pa nitong maging Dean’s Lister sa kanilang unibersidad at nang kinalaunan ay naging Cum Laude pa!

Para kay Daniel, si Bobby ay maituturing na isang tunay na kaibigan. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa. Palagi silang nagkakasundo sa lahat ng bagay—maging sa pagkain man, gimik, at sa ligaw ng nag-iinit na katawan.  Palagi silang magkasama sa lahat ng oras—sa paglalakbay nila sa kanto ng Orosa-Nakpil o sa pagtatambay nila sa “Daisy Farm”. Ilang beses na ring nasubukan ni Daniel ang pagiging matapat na kaibigan ni Bobby. Si Bobby ang siyang tagapagtanggol niya laban sa mga kaaway nila. Marunong kasi ng street fighting si Bobby dahil laki ito sa hirap, di tulad niya na laki sa layaw kaya malata ang mga buto. Naalala niya noong minsang mapaaway siya sa loob ng isang bar sa Malate, kaagad na sumaklolo si Bobby at pinatumba nilang dalawa ang mga kaaway. Muntik na ring magbuwis ng buhay si Bobby sa pagtatanggol niya kay Daniel. Nang minsang mapaaway si Daniel sa isang karibal na callboy sa “Daisy Farm” ay pinagtangkaan siya ng huli na patayin sa pamamagitan ng hawak nitong balisong. Buti na lamang at dumating si Bobby at nakita niya ang patraydor na atake ng kalaban kay Daniel kaya agad siyang sumaklolo at walang awang binayo ng matitigas na kamao ang kawawang callboy. Sa pag-aakala ni Bobby na hindi na lalaban pang muli ang callboy ay tumalikod siya dito. Agad namang nakabangon ang lalaking callboy at tinarakan ng isang saksak ang likod ni Bobby. Buti na lamang at sumaklolo rin si Daniel at napigilan ang pagpatay ng lalaki kay Bobby.

  Nagkawalay lamang sila ni Bobby nang tumigil siya sa pag-aaral. Medyo nawalan sila ng komunikasyon sa isa’t isa lalo na nang magtapos ng kolehiyo si Bobby. Nabalitaan na lamang niya na nagtatrabaho na ito bilang chef sa Milan. Kaya labis ang katuwaan ni Daniel nang muli siyang kumustahin ng kaibigang matagal na nawalay sa kanya.

Tumingin si Daniel sa kanyang suot na wrist watch. Alas-dos na ng madaling araw. Shit! Umaga na pala! Hindi na siya makuhang dalawin pa ng antok.

Muling humiga si Daniel sa kanyang kama at tumingala sa kisame habang “nagbibilang ng mga tupa” upang muli siyang makatulog. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi pumikit ang kanyang mga mata. Kaya nagpasya na lamang si Daniel na bumangong muli. Doon ay natanaw niya ang kanyang sarili sa katapat na malaking salamin sa dingding. Napangiti siya. Wala naman sigurong magpapakita sa akin na multo, bulong niya sa sarili. Napansin ni Daniel ang kanyang dalawang biloy sa mukha. Lalong humaba ang kanyang ngiti. Pakiramdam niya siya na ang pinaka-guwapo sa daigdig.

Mirror, mirror on the wall, who is the handsomest man in the world? Tanong niya sa salamin.

Parang narinig niyang nagsalita ang “mahiwagang” salamin. You are the handsomest man in the world, Master.

Hindi maitatago kay Daniel ang pagiging makisig. Maraming nagsasabi, mapa-babae man o lalaki, na isa siya mga itinuturing na isa sa mga finest men ever born. Ang kanyang magandang katawan na nakuha niya sa araw-araw na pagdyi-gym at ang likas na kaguwapuhan ang siyang nagpapainit sa bawat babae at bakla na makakakita sa kanya. His seven inch armor is also one of his main attractions. Kaya gustong-gusto siya ng mga babae at baklang nakaulayaw niya dahil sa itinatago niyang makamandag na kayamanan sa pagitan ng kanyang dalawang hita.

Nakaramdam ng init si Daniel sa kanyang katawan. Hindi niya iyon inaasahan. Unti-unting nabuhayan ang kanyang itinatagong sandata. Hinaplos ni Daniel iyon, nagbabakasakaling mapakalma ang nagwawala niyang sandata. Ngunit siya ay bigo. Lalo itong bumangon at naghimagsik. Walang nagawa si Daniel kundi ang hubarin ang kanyang pang-ibabang saplot at sinimulan niyang himasin ang kanyang nagwawalang espada. Hinubad din ng binata ang kanyang suot na damit bago humiga at mangarap ng isang nagbabagang eksena sa ibabaw ng kama.

Unti-unting hinaplos ni Daniel ang kanyang dibdib habang pinaglalaruan ang kanyang pagkalalaki. Pinisil-pisil niya ang dalawang utong sa kanyang dibdib upang makaramdam siya ng kakaibang saya. Hindi siya nagkamali dahil lalong nag-init ang buo niyang katawan.

Nagsimulang umungol si Daniel. Patuloy pa rin ang pagmasahe niya sa kanyang galit na galit at naninigas na sandata. Kumikiliti sa kanyang buong katawan ang sarap sa bawat haplos niya sa kanyang pagkalalaki. Pakiramdam niya ay parang lumilipad siya sa alapaap. Lahat ng kanyang mga panaginip ay muling nanumbalik. Damang-dama niya ang sarap ng pagiging isang lalaki.

Di naglaon ay sumuko na rin ang kanyang bataan. Isang malapot na katas ang pumutok sa kanyang nagbabagang sandata, na kumalat sa kanyang dibdib at six-pocket abs. Dahil dito napaungol ng husto si Daniel. Pakiramdam niya ay parang nasa langit na siya. Hindi pa natapos at may pumutok pang isa… at isa pa! Doon ay pinagpawisan at hiningal si Daniel sa sobrang pananabik na kanyang nadama.

Pakiramdam niya ay muli siyang nabuhayan ng loob.

Natapos ang kanyang paglalaro sa kanyang sandata. Nanatili lamang siyang nakahiga sa kama habang pinaglalaruan ang sarili niyang katas. Maya-maya’y napatigin siyang muli sa kanyang wrist watch.

Alas-tres ng madaling araw.

Nagbuntong-hininga si Daniel. Time to wash this messy cum. Pagkatapos ay tumayo siya sa kanyang kama at humarap sa salamin. Daniel, you are so handsome and damn hot! Bulong niya sa kanyang sarili. Pagkatapos noon ay ikinalat niya sa kanyang buong katawan ang sariling katas bago nagsasayaw na parang isang macho dancer. Ibang klase ka Daniel. Iba ka.

Pagkatapos ng palabas ay saka lamang nagpasya si Daniel na pumasok sa paliguan upang linisin ang kanyang basang-basang katawan.

Jirdal Zahir (Gay Romance Novel) Kabanata 1 sa February 9, 2009!!!

Masasaksihan niyo ang unang kabanata ng nobelang Jirdal Zahir ni Demogargon Saatbarmald sa Pebrero 9, 2009.

Ito ay isang gay love story na isinulat ng isang straight guy writer. Tunay na kaabangan sa Pinoy Online Novels!!!

Sypnosis: Si Daniel ay isang bisexual. Siya ay itinakwil ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang kasarian. Dahil hirap sa buhay, nagpasya siyang maging isang truck driver sa bansang Kuwait. Doon ay nakilala niya ang isang Arabong nagngangalang Jirdal Zahir. Lingid sa kaalaman ni Daniel na isang closet homosexual o closet gay si Jirdal Zahir. Sa relihiyong Islam, hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang mga baklang tulad niya. Hanggang sa dumating ang pagsubok at lihim na umibig si Jirdal kay Daniel. Kahit na alam niyang bawal sa isang Muslim na katulad niya na umibig sa kapwa niya kasarian ay handa siyang isuko ito alang-alang sa pagmamahal kay Daniel.

Hanggang saan hahantong ang lihim na pagmamahal ni Jirdal kay Daniel? Abangan sa February 9!!!

WANTED: MGA PINOY NOBELISTA PARA SA PINOY ONLINE NOVELS

Inaaanyayahan namin ang mga bloggers diyan na may talento sa pagsusulat ng nobela. Naririto na ang blog na para sa inyong lahat. Gusto niyo bang sumikat? Ito na ang inyong pagkakataon para makilala sa buong mundo!!!

Lahat ng mga manunulat ay libreng maglathala ng kani-kanilang nobela dito sa PON, provided na hindi ito plagiarized. Kahit anong tema, welcome sa PON. Ang hangarin ng PON ay mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga baguhang manunulat na maibahagi ang kanilang talento sa lahat.

mga dapat gawin upang maging manunulat ng PON:
1. Mag-email sa cardinalbitch@yahoo.com o sa juan_carlos_ferreira_xp@yahoo.com ng inyong PANGALAN (PWEDENG ALIAS O PSEUDONYM), PAMAGAT NG NOBELA, SYPNOSIS, AT PETSA KUNG KAILAN NINYO GUSTONG ILATHALA.
2. Gumawa ng TEASER sa inyong nobela, nang sa gayon ay MAI-PROMOTE NAMIN NG MAS MAYOS ang inyong nobela.
3. Ang CARDINAL BITCH TEAM na ang bahala sa illustration ng inyong nobela.

 

May mga kontak kaming publisher na maaaring magbigay sa inyo ng break, basta KAILANGANG IBUHOS NA NINYO ANG INYONG EFFORT SA PAGSUSULAT!!!

 PAALALA: NO PAY JOB PO ITO. Pero may kabutihang maidudulot ito sa inyo kung sakaling makikilala kayo sa internet at blogsphere. Alalahaning si Bob Ong ay nakilala sa internet bago siya nakapaglathala ng libro.

Sa kasalukuyan may tatlo nang manunulat ang magbabahagi ng kanilang obra-maestra. Ano pang hinihintay niyo, sali na at maging bahagi ng Pinoy Online Novels!!!

NOW SEARCHING: NEW NOVELISTS!!! BE PART OF PINOY ONLINE NOVELS!!!

Ikaw ba ay baguhang nobelista? Na naghahanap ng kasikatan?

GUSTO MO BANG SUMIKAT?

Inaaanyayahan namin ang mga baguhang manunulat at mga gustong maging manunulat na ibahagi ang inyong talento sa pagsulat ng nobelang Tagalog (o English!). Ang Pinoy Online Novels ay siyang unang hakbang upang makilala ka sa buong mundo!

Kung ikaw ay manunulat na Pilipino at may ambisyong sumikat. Binibigyan ka namin ng pagkakataon na ilathala ang iyong obra. Walang higpit. Freedom of Speech ang paiiralin! Basta kahit anong klaseng nobela, pasok sa Pinoy Online Novels!

Kung ikaw ay intresado, mag-email lamang sa address na ito: juan_carlos_ferreira_xp@yahoo.com o kaya mag-iwan ng comment sa kahit anong pahina ng Pinoy Online Novels. Ilakip lamang ang inyong PANGALAN (bansag), PAMAGAT NG NOBELA, GENRE nito, at ang TEASER ng inyong nobela. Madali lamang diba?

Paalala: WALA PONG SUWELDOang Pinoy Online Novels sa inyo sa kasalukuyan. Ito ay isang no pay job. PERO MASUSUKLIAN NAMAN ANG INYONG PAGHIHIRAP DAHIL ANG PINOY ONLINE NOVELS ay may KONEKSYON SA MGA SIKAT NA PUBLISHERS tulad ng:

Visual Print Enterprise

Precious Hearts Romance

PsiCom Publishing

at iba pa!

 

Maaari namin kayong tulungan ng LIBRE at walang pag-aalinlangan! Ang tanging hangad namin ay makita kayong MASAYA AT SIKAT NA SIKAT!

 

JOIN NA KAYO!!!

Cardinal Bitch :-)

PAUNAWA: ANG NOBELANG QUIERO AMARTE HOY AY HINDI NA MABABASA PANG MULI SA PINOY ONLINE NOVELS

Pasensiya na po sa inyo, mga giliw naming mambabasa ngunit HINDI NA PO NINYO MATUTUNGHAYAN ANG NOBELANG QUIERO AMARTE HOY SA WIKANG TAGALOG. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nahinto ang pagsasalin sa wikang Tagalog ng naturang nobela dahil ang may akda nito, si Harry S. Parker at ang kanyang publisher na Plaza Y Janes ay nagkasundo na tanging sa orihinal wikang Kastila mailathala ang naturang nobela. Nagpasya na rin si Harry S. Parker na itigil ang pagsalin ng kanyang nobela at sa halip bigyan daan na lamang ang kanyang matalik na kaibigan na si Demogargon Saatbarmald at ang iba pang mga manunulat.

Ngayong nailipat na sa Cardinal Bitch Team ang pamamahala ng Pinoy Online Novels, sisiguraduhin namin sa inyo na magiging kaabang-abang ang site na ito. Maraming Salamat po!!!

Pinoy Panitikan: Pagyamanin ang Panitikang Pilipino!!!

To all readers,

The moderators are inviting you to visit Pinoy Panitikan: Pagyamanin ang Panitikang Pilipino. Its main objective is to promote new generation writers and to enhance Philippine Literature to its finest.

For more info, visit http://pinoypanitikan.wordpress.com

Happy reading!!!

By:

Demogargon Saatbarmald

Mga baguhang manunulat itatampok sa Pinoy Online Novels

Mga bata at baguhang nobelista ang malapit nang itampok sa Pinoy Online Novels (PON). Kabilang na rito ang Filipino writer in Spanish na si Harry S. Parker, Carlos Palanca awardee na si Demogargon Saatbarmald (di tunay na pangalan) at marami pang iba na ngayon mo lamang makikilala, exclusive sa Pinoy Online Novels.

Ito ngayon ay pinamamahalaan na ng Cardinal Bitch Team. Maraming pagbabago ang magaganap dito sa PON.

Abangan ang mga kaabang-abang na nobela dito sa PON!!!